MALIGAYANG KAARAWAN, IGMIDIO SANTOS!

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Sangguniang Barangay at ang buong pamayanan ng Sta. Cruz, Angat, Bulacan sa kaarawan ng kanilang masipag na Hepe ng Barangay Tanod na si Igmidio Santos.
Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay si Santos para sa kaniyang walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at malasakit sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong komunidad.
Binigyang-diin ng barangay ang mahalagang papel ng mga barangay tanod sa pagbibigay ng seguridad at kaligtasan sa bawat residente.
Kasabay ng pagbati, ipinagdasal din ng pamayanan na patuloy siyang pagkalooban ng magandang kalusugan, gabay, at pagpapala ng Poong Maykapal upang maipagpatuloy ang kaniyang tapat na paglilingkod sa Barangay Sta. Cruz.










Comments