Maligayang Ika-111 Anibersaryo sa Iglesia ni Cristo!
- Angat, Bulacan
- Jul 27
- 1 min read

Taos-pusong pagbati at pagpupugay mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat sa buong pamayanang Iglesia ni Cristo sa makasaysayang pagdiriwang ng inyong ika-111 anibersaryo.
Sa mahigit isang siglo ng inyong pananampalataya, pagkakaisa, at walang sawang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, tunay kayong naging inspirasyon sa mas marami pang Pilipino—sa pagpapalaganap ng kabutihan, disiplina, at pagkakaisa sa mga komunidad.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mas higit pang lakas, karunungan, at katatagan upang ipagpatuloy ang inyong misyon na magsilbing tanglaw ng pananampalataya sa gitna ng mga hamon ng panahon.
Muli, isang maligaya at pinagpalang anibersaryo sa inyo!
Comentários