Maligayang Ika-111 Anibersaryo sa Iglesia ni Cristo!
- Angat, Bulacan
- Jul 28
- 1 min read

Isang maalab at taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat sa buong pamayanang Iglesia ni Cristo sa makasaysayang pagdiriwang ng inyong ika-111 anibersaryo ng pagkakatatag.
Kaisa po kami sa paggunita ng napakahalagang okasyong ito na sumasalamin sa matatag ninyong pananampalataya, walang humpay na pagkakaisa, at dedikasyon sa banal na paglilingkod sa Diyos at pagtulong sa kapwa.
Nawa’y patuloy pa kayong pagpalain ng Poong Maykapal, bigyan ng lakas at inspirasyon upang ipagpatuloy ang inyong mabubuting adhikain at misyon para sa ikabubuti ng sambayanan at sa higit na ikaluluwalhati ng Panginoon.
Mabuhay ang Iglesia ni Cristo!
Comments