Mahalagang Abiso sa mga Aplikante ng Tanging DMW, May Virtual Interview para sa Croatia Job Slots
- Angat, Bulacan
- 38 minutes ago
- 1 min read
Naglabas ng mahalagang abiso ang PESO Angat, Bulacan, mula sa Department of Migrant Workers (DMW), hinggil sa iskedyul ng online/virtual interview para sa mga shortlisted na aplikante sa Republic of Croatia.
Ang advisory na may serye bilang PEGPB ADVISORY NO. 102, Series of 2025, ay tumutukoy sa mga aplikanteng napili sa ilalim ng Government to Government (G2G) hiring program para sa CROATIAN EMPLOYMENT SERVICE sa ilalim ng RSF Nos. 250013, 250014, at 250015.
Inimbitahan ang mga napiling aplikante para sa isang Online/Virtual Interview na gaganapin ngayong araw, ika-4 ng Disyembre 2025, ganap na alas-dos y medya ng hapon (2:30 PM).
Ang link para sa virtual interview ay ipapadala sa mga email addresses ng mga aplikante bago sumapit ang takdang oras.
Hinimok ang mga aplikante na basahin ang LAHATÂ ng instruksiyon nang maingat.
Kung sakaling hindi makatanggap ng link hanggang sa mismong araw ng interbyu, pinapayuhan ang mga aplikante na tumawag sa numerong (02) 8722 1175Â ng DMW - Pre-Employment and Government Placement Bureau (PEGPB).





