top of page
bg tab.png

Lingguhang Clean-Up Drive, Matagumpay na Isinagawa sa Barangay Sta. Cruz

Oct 5
1 min read

Nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz nitong Oktubre 3, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, mga lokal na boluntaryo, at mga residente sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, kanal, at mga nakatambak na basura sa iba't ibang purok upang tiyakin ang kalinisan at kalusugan ng buong pamayanan.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad ay mahalaga upang maiwasan ang pagdami ng mga peste at banta ng mga karamdaman tulad ng dengue, lalo na sa panahon ng tag-ulan.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay Sta. Cruz sa lahat ng mamamayang nakiisa at nagpakita ng kooperasyon para sa pagpapanatili ng maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page