Lakbay-Takbong Angat: Takbo para sa Kalikasan, Kultura at Kinabukasan
- Angat, Bulacan

- Sep 5
- 1 min read
Updated: Sep 7

Maraming salamat sa mainit na pakikilahok ng ating mga kababayan sa nakatakdang Lakbay-Takbong Angat: Takbo para sa Kalikasan, Kultura at Kinabukasan. Noong ika-2 ng hapon ngayong araw, umabot na sa 800 ang kabuuang bilang ng mga nakarehistro para sa naturang aktibidad. Sa bilang na ito, 356 ang lalahok sa 10 kilometro na kategorya. Dahil nalampasan na ang inisyal na target na 300, napagpasyahan ng komite na pansamantalang isara ang pagpaparehistro para sa 10KM race.
Gayunpaman, bukas pa rin ang pagpapatala para sa 5KM at 3KM race. Paalala rin na hanggang 1,000 kalahok lamang ang maaaring tanggapin, kaya hinihikayat ang lahat ng interesadong makiisa na magparehistro sa lalong madaling panahon.
Dagdag paalala: Kinakailangan ng parental consent para sa mga menor de edad at nararapat na may kasamang guardian sa mismong araw ng fun run. Maaaring i-download ang consent form sa link na ito: https://tinyurl.com/LakbayTakboConsent. Ang pirmadong form ay ipapasa sa oras ng pag-claim ng race kit.









Comments