top of page
bg tab.png

Kawayanihan 2025: Puno ng Pag-asa, Haligi ng Kalikasan — Isang Makakalikasang Tagumpay!


ree

Sa ngalan ng Local Youth Development Office, taos-pusong pasasalamat at makakalikasang saludo sa lahat ng nakiisa at nagtagumpay sa proyektong “Kawayanihan: Puno ng Pag-asa, Haligi ng Kalikasan!” Mahigit 200 kawayan ang sabay-sabay na itinanim ng mga kabataan, katuwang ang iba't ibang organisasyon at ahensya—isang patunay na ang pagkilos para sa kalikasan ay mas nagiging makapangyarihan at makabuluhan kapag tayo ay nagkakaisa.


Lubos naming pinasasalamatan si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista sa kanyang walang sawang suporta at patnubay upang maisakatuparan ang makabuluhang aktibidad na ito.

Nagpapasalamat din kami kay Ma’am Melba Dizon ng Sinapupunan Maharlika Eco-Community sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa sustainable bamboo farming. Hindi rin matatawaran ang mahalagang papel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO Angat) sa maayos at ligtas na pagdaraos ng programa.


Bukod dito, pinasasalamatan namin ang mga kabataang lider mula sa SK Federation of Angat Bulacan, Local Youth Development Council (LYDC), at mga kinatawan mula sa iba’t ibang youth at civic organizations na buong puso ring sumuporta sa adhikaing ito, kabilang ang:

📍 Rotaract Club of Angat

📍 Jowable Youth

📍 Parish Commission on Youth - Sta. Monica Parish, Angat, Bulacan

📍 Partners for Change - Marungko

📍 4H Club - Angat Chapter

📍 Angat Solo Parent

📍 Angat Soroptimist

📍 Angat Local Council for the Protection of Children


Sa pagtutulungan ng kabataan at komunidad, tunay nga na ang bawat kawayan ay nagiging puno ng pag-asa at nagsisilbing matibay na haligi ng ating kalikasan. Sama-sama nating pangalagaan at pagyamanin ang ating kapaligiran para sa mas magandang bukas ng bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page