Ipinagdiriwang na natin ang ika-3 taon ng GulayAngat (Gunita ng Lahi at Yamang Angat) Festival! 🥗 Ang makulay na pagdiriwang ay sinimulan sa isang kapana-panabik na Parada Karosa, kung saan ipinamalas ng bawat barangay ang yaman ng kanilang ipinagmamalaking kultura at tradisyon.
Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang seremonya. Kabilang sa mga dumalo sina Vice Governor Alex Castro, Board Member Jay De Guzman, at kinatawan ni Gov. Daniel Fernando.
👏 Malugod naming binabati ang mga nagwagi sa parada ng karosa:
🏆 Champion (1st Place): Brgy. Taboc - ₱100,000

🥈 2nd Runner Up: Brgy. Pulong Yantok - ₱70,000

🥉 3rd Runner Up: Brgy. Niugan - ₱50,000

Salamat sa lahat ng nakiisa! Kitakits pa sa mga susunod na kaganapan ng ating GulayAngat Festival! 🎊
댓글