Kaalinsabay ng pagdiriwang natin ng Araw ng Bayaning si Andres Bonifacio ay naganap ang ika-4 na Capacity Development Seminar at Team Building ng mga kawani ng Tanggapan ng Talaang Sibil na dinaluhan ng bawat munisipalidad ng Bulacan ngayong araw ika-30 ng Nobyembre sa San Rafael Gymnasium.
Ang CapDev Seminar ay dinaluhan ng ating PSA Region III Regional Director Ma’am Arlene M. Divino, PSA-Bulacan OIC Supervising Statiscian Specialist Sir Marcelino O. De Mesa at kanyang staff Ma’am Cristy & Fr. Boyet Concepcion bilang panauhing tagapagsalita.
Dito rin ay tinalakay ng BulACRI President-Elect Arnold Bacani ang kanilang isa sa best practices sa bayan ng Guiginto ang Digitalization of Civil Registy papers na sya namang lubos na makakatulong sa tanggapan.
Nagbigay din ng pagbati ang Punong bayan ng San Rafael, Igg. Mark Cholo Violago na syang nagpahiram ng Gymnasium na pinagdausan ng programa.
Binigyan din ng pagkilala ang mga MCR staffs na nagsilbi ng 15 taon pataas sa Tanggapan ng Talaang Sibil at napabilang dito ang ating masipag na Assistant Civil Registrar, Ma’am Felicitas S. Bautista.
Sa kabuuan, ang CapDev seminar ay dinaluhan ng 197 MCR staffs sa buong Bulacan..
Comments