Kahapon, Oktubre 16, ay naisakatuparan na natin ang pagtatanghal ng labindalawang kalahok para sa Himig ng GulayAngat 2022 (Festival Song Writing Contest).
Itinanghal na Festival Song Writing Grand Champion ang “Gulay Angat, Gulay Angat!” na isinulat ni Mr. Gil Hizon at inawit ni Ms. Gracie Joy Capalad. Pormal na igagawad ang kanilang premyo sa Oktubre 24, kasabay ng pagtatanghal ng magiging opisyal na GulayAngat Festival Song para sa susunod na taon.
Samantala, nakamit naman ng mga sumusunod ang ikalawa at Ikatlong pwesto:
2nd Place: “Gulayang Angat” (Ericson Trinidad & Cassandra Ashley Casimiro)
3rd PLACE: “Tara na sa Angat” (Ferdinand De Guzman & Magdalena De Guzman)
Maraming salamat sa mga panauhin na nagsilbing hurado para sa kumpetisyon: Ms. Katrine Sunga, Mr. Enrique Torrente III at Mr. Frederic Buenaventura.
Ang Patimpalak para sa Himig ng GulayAngat 2022 ay bahagi ng serye ng pagdiriwang ng papalapit na Ika-339 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Angat kung saan pormal na ring ilulunsad ang GulayAngat Festival.
Comments