(SEPTEMBER 25, 2023):Ngayong araw ay pormal nang sinimulan ang Supplementary Feeding Program(SFP) sa barangay Pulong Yantok. Nagkaroon ng orientation sa mga magulang ng tatlongpung bata(30) kasama ang mga volunteer kung saan sila ay magpapakain at magmomonitor sa mga naturang bata.
Ang SFP ay ang karagdagang pagkain para sa mga batang may mababang timbang. Ito ay parte ng Kontribusyon ng Nutrition Action Office sa ilalim ng Republic Act 11037 o mas kilala bilang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.
Ang feeding program ay isinasagawa mula sa lima (minimum) hanggang pitong beses (maximum) sa isang linggo sa loob ng 90-120 na araw. Ito ay pinamamahalaan ng mga magulang ng mga bata o ng mga caregiver ayon sa nakahandang cycle menu.
Ang mga batang benepisyaryo ng SFP ay tinitimbang sa pagsisimula ng programa at kada buwan hanggang makumpleto ang 90 -120araw upang malaman ang pagbabago sa kanilang nutritional status.
Comments