top of page
bg tab.png

Hands-on Training sa Bread and Pastry Production NC II, Kasalukuyang Isinasagawa

3 days ago
1 min read

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masinsinang hands-on training ang mga benepisyaryo ng Bread and Pastry Production NC II bilang bahagi ng programa sa pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa bayan.


Mula sa pagmamasa (kneading) hanggang sa pagluluto (baking), aktibong inaaral ng mga trainee ang mga aktuwal na kasanayan upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa paggawa ng tinapay at pastry na magagamit sa kanilang paghahanapbuhay o pagtatayo ng sariling negosyo.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Public Employment Service Office (PESO) kay Congressman Salvador "Ador" Pleyto para sa patuloy na pagbibigay ng suporta at pag-oorganisa ng mga libreng pagsasanay na ito para sa mga mamamayan.


Ayon sa pamunuan, ang naturang programa ay hindi lamang simpleng pagtuturo ng paggawa ng tinapay, kundi isang malaking hakbang sa pagbuo at pagpapatupad ng mga pangarap ng bawat pamilyang Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page