top of page
bg tab.png

Gamutan sa Barangay Paltok: Kalusugan, AReglado

Updated: Dec 16, 2023


Ipinagpatuloy ang programang "Tanggapan ng Kalusugan: Gamutan sa Barangay para AReglado ang Kalusugan" sa Barangay Paltok, Angat, Bulacan. Target nito na mabigyan ng agarang serbisyo ang ating mga senior citizens at ang bawat isa ay nagkaroon ng pagkakataong makuha ng libreng Check up, laboratory, flu at pneumonia vacine gayundin ang pamamahagi ng mga gamot para sa ating kababayan na may iba't ibang klaseng karamdaman.


Sa pamamagitan ng pagtitiyak ng aksesibilidad at de-kalidad na mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, hindi lamang pinangangalagaan ng LGU ang kapakanan ng mga residente nito kundi nililinang din ang pundasyon para sa pag-unlad ng komunidad.

Naroroon sa programa ang ating Punong Bayan Reynante Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin kasama ang Sangguniang Bayan Members, Kap. Villamor “Bornok” Lazaro at Sangguniang Barangay members at mga kawani ng Municipal Health Office.


4 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page