top of page
bg tab.png

Enforcement Training for Land Use and Zoning Ordinance, Isinagawa


ree

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Enforcement Training for Land Use and Zoning Ordinance noong July 16-18, 2025.


Pinangasiwaan ang pagsasanay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).


Layunin nito na mas palawakin at palalimin ang kaalaman ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan kaugnay ng mga tamang proseso, alituntunin at regulasyon sa klasipikasyon at pagpapalit-klasipikasyon ng mga lupain (agricultural, subdivision, residential, commercial, industrial, at cemetery/memorial park).


Ipinaunawa sa pagsasanay kung gaano kahalaga ang pagpapatupad ng local zoning ordinance sa usapin ng pagtitiyak na nakakatugon at nakaayon sa land use plan sa sustenableng kaunlaran ng Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page