top of page
bg tab.png

CDSP 2025: Angat, patuloy sa paggabay sa kabataang Angatenyo tungo sa maayos na kinabukasan


ree

Sa layuning ihanda ang kabataang Angatenyo sa mas maliwanag na kinabukasan, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, ang Career Development Support Program (CDSP) 2025 sa dalawang paaralan sa bayan — ang Angat National High School (ANHS) noong Setyembre 17, 2025, ganap na ika-9 ng umaga, at ang Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School (PDPMMHS) sa parehong araw, ganap na ala-una ng hapon.


ree

Ang nasabing programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) at layuning magbigay-gabay sa mga mag-aaral sa tamang pagpili ng kurso at karerang tatahakin, pati na rin sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman tungkol sa mga oportunidad sa hanapbuhay at kahalagahan ng tamang pagpapasya sa hinaharap.



ree

Lubos ang pasasalamat ng LGU Angat at PESO sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan, sa pamumuno ni Assistant Regional Director Alexander Inza-Cruz, at sa Provincial PESO sa pamumuno ni Engr. Egbert Robles, para sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programang pangkabataan ng bayan.



Kabilang sa mga naging tagapagsalita ang mga kinatawan mula sa DOLE Bulacan at Provincial PESO — sina Mr. Michael Christian Hernandez, Labor and Employment Officer, at Mr. Paule Francis Ballon, Job Placement Officer, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa paghahanda sa mundo ng trabaho. Ibinahagi naman ni Ms. Olivia Eser, LYDO Staff, ang kahalagahan ng bolunterismo at serbisyo publiko bilang daan sa personal na pag-unlad at kabutihang panlipunan.


Ipinapaabot din ang taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng Angat National High School, sa pangunguna ni Principal Bernardino S. Facun, at sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School, sa pamumuno ni Principal Virginia S. San Gabriel, kasama ang kanilang mga masisipag na guro ng Grade 10, sa aktibong partisipasyon at pakikiisa sa programa.


Sa pamamagitan ng magkakasunod na pagsasagawa ng CDSP 2025 sa iba’t ibang paaralan sa Angat, ipinapakita ng LGU ang patuloy na malasakit at pangako nitong gabayang ang kabataan tungo sa mas maunlad, makabuluhan, at matagumpay na kinabukasan—mga kabataang may pangarap, direksyon, at pagmamahal sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page