top of page
bg tab.png

CDSP 2025, ipinagpatuloy sa Angel M. Del Rosario High School at Binagbag National High School para sa patuloy na paggabay sa kabataang Angatenyo

Updated: Oct 5

ree

Bilang pagpapatuloy ng matagumpay na serye ng Career Development Support Program (CDSP) 2025, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, ang dalawang sesyon ng programa noong Setyembre 18, 2025 — sa Angel M. Del Rosario High School (AMDRHS) sa ganap na ika-9 ng umaga, at sa Binagbag National High School (BNHS) sa ganap na ala-una ng hapon.


Ang CDSP ay proyekto ng Public Employment Service Office (PESO)–Angat na naglalayong magbigay-gabay sa mga mag-aaral tungkol sa pagpili ng karera, paghubog ng tamang pananaw sa trabaho, at paghahanda para sa mga oportunidad sa hinaharap. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinapakita ng LGU Angat ang malasakit nito sa kapakanan at kinabukasan ng mga kabataang Angatenyo.


ree

Lubos ang pasasalamat ng LGU at PESO sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan, sa pamumuno ni Assistant Regional Director Alexander Inza-Cruz, at sa Provincial PESO sa pamumuno ni Engr. Egbert Robles, sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programang pangkabataan at pangkabuhayan ng bayan.


Ang mga naging tagapagsalita mula sa DOLE Bulacan at Provincial PESO — sina Mr. Michael Christian Hernandez, Labor and Employment Officer, at Mr. Paule Francis Ballon, Job Placement Officer — ay nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at inspirasyon sa mga mag-aaral tungkol sa tamang paghahanda sa larangan ng trabaho. Ibinahagi naman ni Ms. Olivia Eser, LYDO Staff, ang kahalagahan ng bolunterismo at serbisyo sa pamahalaan bilang hakbang sa pagkamit ng personal na pag-unlad at karanasang makabuluhan.


Lubos ding pinasalamatan ang mga paaralan na naging katuwang sa programa — ang Angel M. Del Rosario High School, sa pamumuno ni Principal Mark Lee C. Sarmiento, at ang Binagbag National High School, sa pamumuno ni Principal Richard C. Bagtas, kasama ang mga masisipag na guro ng Grade 10, sa kanilang aktibong pakikilahok at mainit na pagtanggap sa programa.


Sa pagpapatuloy ng CDSP 2025 sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Angat, ipinapakita ng lokal na pamahalaan ang matatag na layunin nitong maihanda ang kabataan sa pagharap sa mga hamon ng buhay at karera — mga kabataang may direksyon, disiplina, at determinasyong makamit ang tagumpay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page