top of page
bg tab.png

Bulacan Council of DRRMOs, Nagdaos ng Pagpupulong; Angat DRRMO, Pormal na Tinanggap ang Donasyong Kit mula sa Rescue Olympics

Aug 28
1 min read

Isinagawa ngayong Agosto 28, 2026 ang pagpupulong ng Bulacan Council of DRRMOs Inc. sa City of San Jose Del Monte Disaster Risk Reduction and Management Office Central Command and Training Center Building na pinamumunuan ni Ms. Gina Ayson.


Pinangunahan ni G. Peter Vistan mula sa DRRM Office ng Bayan ng Guiguinto ang naturang pagtitipon kung saan tinalakay ang mga susunod na proyekto ng samahan, kabilang ang nakatakdang Rescuelympics para sa paggunita sa Araw ng mga First Responder. Dumalo rin sa aktibidad ang pinuno ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na si Igg. Manuel Lukban upang ipresenta ang iba't ibang programa ng lalawigan para sa mga Bulakenyo.


Tampok din sa pagpupulong ang pormal na paggawad ng mga kagamitan para sa mga City at Municipal DRRMOs na nagwagi sa ginanap na Rescue Olympics noong Hulyo 30 sa The Greenery, Lungsod ng Baliwag. Personal na tinanggap ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) / OIC - Municipal Administrator ng Bayan ng Angat, ang EMS Mass Casualty Incident Management Kit.


Ang naturang kit ay nakamit ng Angat Rescue Team matapos silang magwagi bilang Runner Up sa Aquatic Safety and Rescue at Fire Suppression, kasama ang lungsod ng San Jose Del Monte at bayan ng Norzagaray, na naglalayong mas mapabilis at maging epektibo ang pagtugon sa mga sakuna sa lalawigan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page