top of page
bg tab.png

Brgy. Sta. Cruz, Nakiisa sa Patuloy na Pagpapanatili ng Kalinisan ng Komunidad

Oct 24
1 min read


Muling nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz ngayong Oktubre 24, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga pangunahing daanan, kanal, at mga pampublikong pasilidad upang panatilihing maayos at ligtas ang kapaligiran ng komunidad.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay ang kahalagahan ng patuloy na kooperasyon ng bawat mamamayan upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang anumang banta ng karamdaman sa pamayanan.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Barangay Sta. Cruz sa lahat ng nakiisa at nag-alay ng kanilang panahon sa lingguhang aktibidad na ito.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page