top of page
bg tab.png

Brgy. Sta. Cruz, Nagpaalala Ukol sa mga Multa sa Lalabag sa Anti-Rabies Act

Oct 26
1 min read

Naglabas ng mahalagang paalala ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz para sa lahat ng mga nagmamay-ari ng alagang hayop (pet owners) upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng buong komunidad.


Binigyang-diin ng barangay na ang pagiging responsableng may-ari ng alaga ay hindi lamang nagtatapos sa pagpapakain, kundi sa pagprotekta rin sa kaligtasan ng kapwa at ng buong kapitbahayan.


Kasabay nito, muling ipinaalala ng barangay ang mga kaukulang multa at parusa sa ilalim ng Republic Act 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007 para sa mga sumusuway na pet owners:

  • ₱500 – Para sa mga alagang hayop na walang tali o hinahayaang gumala sa labas ng bahay

  • ₱2,000 – Para sa hindi pagpapabakuna laban sa rabies at hindi pagpaparehistro ng alaga

  • ₱10,000 – Para sa pagtangging ipaobserba ang alagang aso na nakakagat ng kapwa

  • ₱25,000 – Para sa pagtangging ipaobserba ang nakakagat na alaga at pagtangging magbayad ng gastusin sa ospital o bakuna ng biktima


Nanawagan ang Barangay Sta. Cruz sa lahat ng residente na pabakunahan at talian ang kanilang mga alaga upang makaiwas sa multa, maiwasan ang perwisyo, at mapanatiling ligtas sa rabies ang buong barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page