Brgy. Marungko, Sumalang sa Lingguhang Paglilinis
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Bilang patuloy na tugon sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang Weekly Clean-Up Drive sa Barangay Marungko nitong Sabado ng umaga, May 30, 2026.
Ang lingguhang paglilinis ay pinangunahan ng mga opisyal ng barangay, katuwang ang mga barangay tanod, mga lokal na lider, at mga residenteng boluntaryong nag-alay ng kanilang oras at lakas.

Ang sama-samang aktibidad na ito ay nakatutok sa paglilinis sa mga baradong kanal at pag-alis ng mga natinggal na tubig upang sirain ang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue at pagwawalis at pagkuha ng mga nakakalat na basura sa gilid ng mga pangunahing daan at pampublikong lugar upang mapanatiling malinis tingnan ang barangay.
Nagpasalamat ang pamunuan ng Barangay Marungko sa lahat ng nakiisa sa proyektong ito. Ayon sa kanila, ang ganitong lingguhang bayanihan ay patuloy na isasagawa upang masiguro na laging ligtas, malinis, at maayos ang kapaligiran para sa lahat ng Marungkeño.







Comments