Breastfeeding Support Group sa Angat, Muling Binuo at Pinatibay ng Nutrition Office

Muling inilunsad at pinatibay ng Municipal Nutrition Office (Nutrition Angat) ang Breastfeeding Support Group noong Agosto 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month na may temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthening What Works."
Ang naturang suportang grupo ay kinabibilangan ng mga inang eksklusibong nagpapasuso sa kanilang mga sanggol na may edad 0 hanggang 6 na buwan. Sa ginanap na aktibidad, nagbahagi si Bb. Celestine Joy Membrebe ng karagdagang kaalaman ukol sa "Breastfeeding TSEK" upang mas mapalawak ang kamalayan sa wastong nutrisyon at mga benepisyo ng gatas ng ina.

Naging bahagi rin ng programa ang isang demonstrasyon mula kay Bb. Margarita Germar tungkol sa "Massage Therapy for Lactating Mothers" na naglayong magbigay ng praktikal na kasanayan sa mga ina para sa mas maayos na pagpapadede.
Inaanyayahan ng Nutrition Angat ang publiko na i-like, i-follow, at i-share ang kanilang opisyal na Facebook page upang manatiling husto sa impormasyon para sa mga susunod pang aktibidad ng Breastfeeding Support Group na nakatakda ngayong buwan ng Setyembre at Oktubre.










Comments