top of page
bg tab.png

Breastfeeding IEC at Dietary Supplementation sa mga Buntis, Idinaos sa Encanto, Sta. Cruz, at Laog

Sep 12
1 min read

Muling nagpatuloy ang serye ng Breastfeeding Awareness Month Information Education Campaign (IEC) na pinangunahan ng Municipal Nutrition Office noong ika-26 ng Agosto 2026 sa mga Barangay ng Encanto, Sta. Cruz, at Laog.


Sa ilalim ng temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthening What Works," binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagpapadedeng-ina at ang tamang kaalaman sa nutrisyon upang masiguro ang magandang kalusugan ng mga ina at ng kanilang mga anak.



Kasabay ng naturang oryentasyon, opisyal ding inumpisahan ang pagbibigay ng Dietary Supplementation para sa mga buntis, lalo na sa mga kinilalang nutritionally at-risk pregnant women. Ang programang ito ay nakadisenyo upang tutukan ang kritikal na "First 1000 Days" ng sanggol mula sa sinapupunan ng ina.


Ayon sa Nutrition Office, ang mga ganitong hakbang ay naglalayong maghatid ng sapat na kamalayan sa mga pamilyang Angateño upang makagawa sila ng mga tamang desisyon para sa pagbuo ng isang mas malusog at masiglang komunidad.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page