top of page
bg tab.png

BPLO at MTO Angat, Nagsagawa ng Calibration Activity para sa Proteksyon ng mga Mamimili


Upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili at matiyak ang patas na kalakalan sa bayan, nagsagawa ng Calibration Activity sa iba't ibang establisimyento ang Business Permit and Licensing Office (BPLO Angat) sa pakikipagtulungan ng Municipal Treasurer's Office (MTO Angat).


Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa Republic Act No. 7394 o The Consumer Act of the Philippines, pati na rin sa probisyon ng Revised Revenue Code (Res. No. 2023-061 / Mun. Ordinance No. 006-2023 Art. B Sec. 84-99) ng bayan ng Angat. Layunin nitong tiyakin na tama, sakto, at naaayon sa pamantayan ang mga timbangan at panukat na ginagamit sa komersyo.


Inaasahang iikot ang calibration activity na ito sa lahat ng mga negosyo at establisimyento sa iba't ibang barangay na gumagamit ng timbangan. Kasama rin sa inspection team si Ms. Arlene Payumo mula sa Sanitation Office.


Para sa mga katanungan o nais mag-report ukol sa mga timbangan sa inyong lugar, magsadya lamang sa tanggapan ng BPLO/MTO o tumawag at mag-iwan ng mensahe sa kanilang opisyal na Facebook Page o sa numerong 0994-832-1278.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page