Beyond the Taboo: Talkathon on Sex Education at Teenage Pregnancy
- Angat, Bulacan

- Aug 6
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Boys’ and Girls’ Week 2025 na may temang “Frontlines of Change”, isinagawa noong Agosto 5, 2025 sa Angel M. del Rosario National High School, Pulong Yantok, Angat, Bulacan ang programang “Beyond the Taboo: Talkathon on Sex Education and Teenage Pregnancy.”
Layunin ng nasabing gawain na bigyang-kaalaman ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng sex education, tamang pagpapahalaga sa sarili, at mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging kabataan. Tinalakay rin dito ang mga isyu hinggil sa teenage pregnancy at kung paano ito maiiwasan sa pamamagitan ng tamang impormasyon at wastong desisyon.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, inaasahang mas magiging mapanuri, responsable, at empowered ang mga mag-aaral upang maging handa sa mga hamon ng kanilang paglaki at paghubog bilang susunod na lider ng bayan.









Comments