top of page
bg tab.png

Bawal Magsunog ng Basura at Magtapon ng Maruming Tubig sa Barangay Sta. Cruz

Aug 13
1 min read

Nagpalabas ng opisyal na babala ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz upang ipaalala sa mga residente ang mga umiiral na batas ukol sa pangangalaga sa kapaligiran at kalinisan ng komunidad.


Mahigpit na ipinagbabawal sa buong barangay ang pagsusunog ng basura alinsunod sa Municipal Ordinance 2017-01 Article 6, Section 17 "H".


Bukod dito, ipinalalala rin ang probisyon ng Municipal Ordinance 2019-10 na nagbabawal sa pagtatapon ng maruming tubig na nagiging sanhi ng pagkadumi ng mga katubigan at daluyan ng tubig sa bayan.



Nanawagan ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz sa lahat ng mamamayan na sumunod sa mga nasabing kautusan upang maiwasan ang kaukulang parusa at mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang kalikasan para sa lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page