top of page
bg tab.png

Barangay Sulucan, Wagi sa “Hapag ng Pamana” Cooking Contest ng GulayAngat Festival 2025


ree

ANGAT, BULACAN — Isang mainit na pagbati sa Barangay Sulucan sa pagkakamit ng Unang Pwesto sa “Hapag ng Pamana” Cooking Contest, isa sa mga tampok na aktibidad sa GulayAngat Festival 2025!

Nakamit naman ng Barangay Sta. Cruz ang Ikalawang Pwesto, habang Barangay Binagbag ang Ikatlong Pwesto sa patimpalak.


Gamit ang lokal na produktong sigarilyas, ipinamalas ng mga kalahok ang husay sa pagluluto, pagkamalikhain, at pagmamahal sa kulturang Angateño sa bawat putaheng kanilang inihain. Ang bawat lasa ay hindi lamang kwento ng lutong-bahay, kundi kwento ng pagmamalaki sa sariling ani at pagkakakilanlan ng bayan.


Tunay na sa bawat lutong Angateño, may halong sipag, galing, at pusong tunay na ANGAT! 🍽️🌿

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page