top of page
bg tab.png

Barangay Sta. Cruz, Kampeon sa Karosa ng GulayAngat Festival 2025


ree

ANGAT, BULACAN — BINANGGA PERO HINDI NAGIBA! 💪🌿 Iyan ang matapang na simbolo ng Barangay Sta. Cruz, na itinanghal na Unang Pwesto sa Karosa ng GulayAngat 2025, matapos ipamalas ang kakaibang ganda, disenyo, at tibay ng kanilang obra.


Pinatunayan ng Barangay Sta. Cruz na hindi lamang sa kagandahan at pagkakalikha nasusukat ang panalo, kundi sa tatag at tibay sa gitna ng hamon — mga katangiang tunay na sumasalamin sa diwa ng isang Angatenyo.


Nakamit naman ng Barangay Pulong Yantok ang Ikalawang Pwesto, habang Barangay Taboc ang Pangatlong Pwesto sa kompetisyon. 🎉


Samantala, bagaman hindi nakapuwesto ang mga kalahok mula sa Barangay Niugan, Sulucan, San Roque, at Paltok, kapuri-puri pa rin ang kanilang ipinakitang husay, malikhaing isip, at dedikasyon sa paggawa ng kani-kanilang karosa — na nagbigay kulay at buhay sa kalsada ng Angat sa pagbubukas ng selebrasyon.


Ang patimpalak na ito ay naging tampok na bahagi ng Opening Salvo ng GulayAngat Festival 2025, kung saan muling ipinamalas ng mga Angatenyo ang kanilang galing sa sining, kultura, at pagkakaisa.


Tunay na ANGAT sa husay, likha, at diwa ang lahing Angatenyo!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page