Barangay San Roque, Wagi sa “Laro ng Laking GulayAngat 2025”
- Angat, Bulacan

- Oct 13
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Ipinamalas ng mga Angatenyo ang tatag, lakas, at saya sa matagumpay na pagdaraos ng “Laro ng Laking GulayAngat 2025.”
Itinanghal na First Place ang Barangay San Roque, sinundan ng Barangay Taboc bilang Second Place, at Barangay Marungko bilang Third Place.
Binigyang-diin ng naturang palaro ang diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, at kasiyahan sa hanay ng mga kalahok, na tunay na sumasalamin sa masiglang komunidad ng Angat.
Ang tagumpay ng mga kalahok ay patunay na sa bawat laro at hamon — ANGAT lagi ang Bayan ng Angat!









Comments