top of page
bg tab.png

Barangay Assembly para sa 2nd Semester, Matagumpay na Idinaos sa Brgy. Sta. Cruz

Oct 26
1 min read

Matagumpay na isinagawa ng pamunuan ng Barangay Sta. Cruz ang kanilang Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng taon nitong Sabado, Oktubre 24, 2026.


Naging panauhing tagapagsalita sa naturang aktibidad si PCPT Lydio V. Venigas, Deputy Chief of Police / Duty Officer of the Day ng Angat MPS, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman, paalala, at gabay ukol sa seguridad at kaayusan ng pamayanan.


Nakiisa rin sa pagtitipon ang iba't ibang sektor ng barangay, kabilang ang mga magsasaka, kasapi ng SAPTODA, kinatawan ng business sector, mga senior citizen, at mga solo parent. Nagpaabot din ng espesyal na pasasalamat ang pamunuan ng barangay kay Alex "Buklo" Salvador para sa pagpapagamit at pag-aayos ng kagamitang pang-proyektor sa asembleya.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang buong pamunuan ng Barangay Sta. Cruz sa lahat ng residenteng naglaan ng oras upang makinig at magbahagi ng kanilang mga mungkahi. Ayon sa barangay, ang aktibong partisipasyon ng mamamayan ang patunay na sa sama-samang pagkilos ay mas maraming magagawa para sa ikabubuti ng buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page