top of page
bg tab.png

Angat Rescue Team, Sumabak sa 14th Bulacan Rescue Olympics sa Baliwag


Sumabak sa tagisan ng husay, bilis, at kaalaman ang Angat Rescue Team Responders kasama ang iba't ibang kumpas ng mga rescuers sa lalawigan matapos opisyal na magbukas ang 14th Bulacan Rescue Olympics na kasalukuyang ginaganap sa The Greenery, Lungsod ng Baliwag.


Ang naturang taunang kompetisyon ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan, kasama ang panauhing pandangal na si Bb. Shelby Ruiz mula sa Office of Civil Defense (OCD) Central Luzon.


Layunin ng Olympics na subukin at paigtingin ang kakayahan, pagtutulungan, at operational readiness ng 24 na Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs/CDRRMOs) sa buong lalawigan sa oras ng totoong sakuna at emergency.


Para sa taong ito, nakipagsanib-puwersa ang Bayan ng Angat sa iba pang lokal na pamahalaan upang buoin ang Cluster 5:

  • Lungsod ng San Jose del Monte (CDRRMO)

  • Bayan ng Angat (MDRRMO)

  • Iba pang katuwang na MDRRMOs sa Cluster 5


Mataas ang pagkilala at pagpupugay ng Pamahalaang Lokal ng Angat sa dedikasyon ng Angat Rescue Team na patuloy na nagpapakadalubhasa upang maghatid ng mabilis at epektibong serbisyo sa mamamayan.


Ang pagsali sa ganitong uri ng paligsahan ay muling nagpapatunay sa walang humpay na pagsisikap ng bayan na mapanatiling Handa, Ligtas, at Panatag ang bawat Angatenyo sa anumang panahon ng kalamidad.


Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page