Angat MPS, Nag-foot Patrol sa Angat Public Market
- Angat, Bulacan

- May 30
- 1 min read
Upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa mga pangunahing bilihan, muling nagsagawa ng Foot Patrol o pagpapatrolya sa pamamagitan ng paglalakad ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa loob at paligid ng Angat Public Market sa Barangay Sta. Cruz.
Ang pagbabantay na nagsimula bandang alas-9:45 ng umaga, May 30, 2026 ay pinamunuan ni PSSg Torres (Patrol PNCO), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP), at bahagi ng pinaigting na seguridad ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang pagbabantay sa mga pangunahing sentro ng komersyo tulad ng palengke ay regular nilang isinasagawa para sa kapayapaan ng buong bayan.









Comments