top of page
bg tab.png

Angat LYDC 2nd Quarterly Meeting


Ika-19 ng Mayo--Ginanap ang mahalagang pagpupulong ng Angat Local Youth Development Council sa Bahay Pamahalaan ng Angat upang talakayin ang mga susunod na programa at proyektong pangkabataan. Pinangunahan ni Local Youth Development Officer JP Solis at SK Federation President Mary Grace Evangelista ang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng council.

Tinalakay rito ang nalalapit na pag-ikot sa mga barangay upang imulat ang mga kabataan sa usaping Mental Health at Teenage Pregnancy. Muli namang pinaalalahanan ang dalawang youth organization na ayusin ang kanilang mga papeles para sa ganap na pagpaparehistro sa Youth Organization Registration Process (YORP) ng National Commission on Youth (NYC). Napag-usapan din dito ang mga programang ilalatag para sa muling pagbubukas ng Boys and Girls Week ngayong taon.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page