
Mahigit 610 na residente ng Angat ang nakatanggap ng tulong mula sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa pangunguna ni Cong. Salvador Pleyto. Ang nasabing payout ay bahagi ng tulong ng pamahalaan upang suportahan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho o may limitadong kita.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay nagsagawa ng mga gawain sa paglilinis sa loob ng sampung araw, at bilang kapalit ng kanilang serbisyo, sila ay tumanggap ng P5,000 bawat isa. Ang TUPAD ay naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga apektadong manggagawa upang sila’y magkaroon ng karagdagang kita habang naghahanap ng mas pangmatagalang oportunidad.
Comments