top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) National Assessment sa Bayan g Angat, Matagumpay na Naisagawa


Matagumpay na naisagawa sa Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagsusuri para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) National Assessment, na naglalayong kilalanin ang katapatan at kahusayan ng mga lokal na pamahalaan sa bansa. Sa ilalim ng SGLG, sinisiyasat ang sampung (10) kategorya ng iba’t ibang aspeto ng pamamahala ng isang Local Government Unit (LGU).


Pinangunahan ni Local Government Operations Officer (LGOO) V Michael Castro Ras II at LGOO VI Gerald Carbarles Jr. ang assessment at validation sa nasabing bayan. Kasama ang buong suporta ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga konsehal na sina William Vergel De Dios, Blem Cruz, at Darwin Calderon.


Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang naturang pagsusuri upang matukoy ang kasalukuyang estado ng pamamahala sa bayan. Magiging gabay din ito sa patuloy na pagpapaunlad ng kalidad ng serbisyo para sa mga mamamayan at sa pagpapanatili ng maayos na pamahalaang lokal.


Ang Seal of Good Local Governance ay isang prestihiyosong pagkilala na naglalayong itaas ang pamantayan ng mahusay na pamamahala sa mga LGU, at umaasa ang mga opisyal at mga pinuno ng tanggapan na ang bawat pagsusumikap ay magbunga ng tagumpay sa pagkamit ng parangal na ito.

5 views0 comments

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page