Weekly Clean-Up Drive, Ipinagpatuloy sa Barangay Banaban
- Angat, Bulacan

- Aug 15
- 1 min read

Muling nagbuklod ang pamunuan at mga residente ng Barangay Banaban para sa kanilang Weekly Clean-Up Drive na isinagawa ngayong Agosto 15, 2026.
Ang regular na aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng Sangguniang Barangay na panatilihing malinis, maayos, at ligtas sa anumang banta ng karamdaman ang buong nasasakupan.
Nagtulong-tulong ang mga barangay officials, tanod, at mga boluntaryong mamamayan sa pagbibigay-pansin sa mga sumusunod:
Pagpuksa sa mga posibleng pinagmumulan ng dengue at iba pang sakit sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga lumang gulong, bote, at iba pang gamit na naaipunan ng tubig.
Pagwawalis at pag-aayos sa mga pangunahing kalsada at pampublikong pasilidad ng barangay.
Paglilinis ng mga kanal at estero upang maiwasan ang pagbara at pagbaha sa mga kabahayan.
Muli namang nagpaalala ang lokal na pamunuan ng Banaban sa bawat pamilya na ang kalinisan ng komunidad ay nagsisimula sa sariling bakuran at sa tamang pagtatapon ng basura.









Comments