top of page
bg tab.png

Tanggapan ng Municipal Treasurer’s Office, Bukas Ngayong Biyernes para sa Pagbabayad ng Amilyar


Nagpalabas ng mahalagang patalastas ang Municipal Treasurer’s Office (MTO) ng Angat upang ipabatid sa lahat ng mga ari ng ari-arian o property owners sa bayan ang iskedyul ng pagbabayad ng buwis.


Bukas ang tanggapan ng MTO ngayong araw, Hulyo 3, 2026 (Biyernes), upang tumanggap ng mga pagbabayad ng buwis sa lupa o amilyar (Real Property Tax - RPT).

Magsisimula ang transaksyon mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.


Hinimok ng pamunuan ng MTO ang mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataong ito upang maging updated sa kanilang mga obligasyong pinansyal sa pamahalaang bayan. Ang mga nakolektang buwis ay gagamitin sa mga mahahalagang proyekto, imprastraktura, at serbisyong pampubliko na kapaki-pakinabang para sa lahat ng Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page