top of page
bg tab.png

SSS Palengke Caravan sa Angat, Matagumpay na Idinaos sa Kabila ng Malakas na Ulan


Sa kabila ng masamang panahon at malakas na buhos ng ulan, matagumpay na isinagawa ang SSS Palengke Caravan nitong Agosto 28, 2026 sa Pamilihang Bayan ng Angat sa pangunguna ng Angat Public Market Office.


Pinangunahan ni Market Administrator Engr. Lauro Sarmiento, katuwang si Supervisor Gng. Goldilyn D. Santos at ang buong Market Staff, ang pag-oorganisa ng aktibidad kung saan humigit-kumulang 160 na residente at miyembro ng SSS ang nabigyan ng direktang serbisyo ng Social Security System (SSS) Sta. Maria Branch.



Kahit pa nagkaroon ng deklarasyon ng cancellation ng trabaho dahil sa ulan, nagpadala pa rin ng karagdagang koponan ang SSS Sta. Maria upang masigurong lahat ng dumating na miyembro ay maasikaso at masagot ang kanilang mga usapin at katanungan.


Naging posible ang naturang programa sa buong suporta ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista at ng iba't ibang sponsors. Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Angat Public Market Office sa SSS Sta. Maria para sa ipinakitang malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page