SERBISYO PUBLIKO, DINALA SA BRGY. BANABAN: MJSB at Damayan sa Barangay, Matagumpay na Ginanap
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Isang malawak na hanay ng serbisyo ang direktang inihatid sa mga mamamayan ng Barangay Banaban sa muling pagsasagawa ng Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB), katuwang ang Damayan sa Barangay (DSB) at Angat Eye Clinic.
Ang nasabing programa ay bahagi ng adbokasya ng Pamahalaang Bayan ng Angat na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, at social services sa bawat sulok ng bayan.
Bukod sa mga libreng konsultasyon at serbisyo, naging sentro rin ng aktibidad ang pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman:
Wastong Segregasyon ng Basura: Binigyang-diin ng MENRO ang responsibilidad ng bawat mamamayan sa tamang pamamahala ng basura upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
Benepisyo ng SSS: Nagbahagi ng impormasyon ang SSS Sta. Maria, sa pangunguna ni Sir Dennis Montano, tungkol sa mga benepisyong makatutulong sa mga miyembro sa oras ng pangangailangan at para sa seguridad ng pamilya.

Naging matagumpay ang programa dahil sa aktibong pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Banaban, sa pamumuno ni Kon. Aries Ignacio, kasama ang mga volunteers at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang tagumpay ng MJSB ay patunay ng epektibong pagkakaisa upang masigurong ang bawat Angatenyo ay nakatatanggap ng serbisyong may malasakit.









Comments