Senior Citizen na Bibili ng Gamot sa Bayan, Binigyan ng Libreng Sakay ng PNP Angat
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Patuloy ang paghahatid ng tulong at malasakit ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) sa mga mamamayan matapos magkaloob ng libreng sakay sa isang senior citizen ngayong Setyembre 3, 2026.
Habang nagpapatrolya ang mga miyembro ng Angat PNP sa pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police, ay nadaanan nila ang isang nakatatanda na papunta sa bayan upang bumili ng kanyang mga kinakailangang gamot. Agad siyang inalok ng tulong at isinakay ng kapulisan sa kanilang patrol vehicle upang maihatid nang ligtas at mabilis sa kanyang pupuntahan.
Ang gawaing ito ay bahagi ng programang "PNP Good Deeds" na naglalayong ipakita ang pusong naglilingkod ng kapulisan sa pamamagitan ng direktang pagtulong sa mga residente ng Angat, lalo na sa mga senior citizen at nangangailangan.









Comments