top of page
bg tab.png

Seguridad sa Unang Araw ng 2026, Nanatiling Prayoridad


Hindi nagpaantala ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa pagbabantay sa seguridad ng bayan sa pagsalubong ng unang umaga ng Bagong Taon. Ngayong ika-6:00 ng umaga, Enero 1, 2026, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng pulisya sa kahabaan ng M. Valte Road, Brgy. Sta. Lucia.


Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng liderato ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pagsisimula ng taon, gayundin ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga motorista at residenteng bumabagtas sa naturang pangunahing kalsada. Sa pamamagitan ng aktibong pagpapatrolya, nilalayon ng pulisya na mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at ipadama ang kanilang presensya para sa kapanatagan ng komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page