SB ng Niugan, Tinalakay ang mga Prayoridad na Proyekto sa Ikalawang Regular na Sesyon
- Angat, Bulacan

- Jan 19
- 1 min read

Upang masiguro ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa publiko, matagumpay na idinaos ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang 2nd Regular Session para sa taong 2026 ngayong ika-19 ng Enero.
Sa ilalim ng pamumuno ng Punong Barangay at sa pakikilahok ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay, naging sentro ng talakayan ang pagsusuri sa mga naging accomplishment ng nakaraang linggo at ang pagpaplano para sa mga susunod na aktibidad sa barangay.
Ang pagdaraos ng regular na sesyon ay bahagi ng commitment ng Sangguniang Barangay sa transparensya at maayos na pamamahala. Ayon sa konseho, mahalaga ang bawat pagpupulong upang masiguro na ang lahat ng boses ng mga residente ay naririnig at nabibigyang-aksyon sa pamamagitan ng mga resolusyon at ordinansa.









Comments