SB Banaban, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Rice Subsidy Program ng Lokal na Pamahalaan
- Angat, Bulacan

- Jun 8
- 1 min read

Matagumpay na naipamahagi ang tulong-pagkain para sa mga residente ng Barangay Banaban sa isinagawang "Rice Subsidy" program nitong ika-6 ng Hunyo 2026.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng Sangguniang Barangay ng Banaban, sa pangunguna ni Punong Barangay Fernando P. Dela Torre, para sa maayos at naging matagumpay na distribusyon ng bigas na malaking tulong para sa mga pamilya sa kanilang nasasakupan.
Naging espesyal ang aktibidad sa pagdalo at personal na paggabay ng Ama ng Bayan ng Angat, Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista. Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay ang alkalde sa patuloy nitong paglulunsad ng mga programang may malasakit at direktang nagbibigay-bentahe sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ayon sa Sangguniang Barangay, ang ganitong mga programa ay patunay ng matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng komunidad. Inaasahan na magpapatuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa tungo sa mas maunlad, ligtas, at masaganang kinabukasan para sa buong Barangay Banaban.









Comments