Sangguniang Barangay ng Niugan, Matagumpay na Naisagawa ang Unang Regular na Sesyon para sa Taong 2026
- Angat, Bulacan

- Jan 5
- 1 min read

Pormal nang sinimulan ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang lehislatibong gawain para sa bagong taon matapos ganapin ang kanilang 1st Regular Session ngayong ika-5 ng Enero 2026.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay at sa pakikilahok ng mga Sangguniang Barangay Members at Barangay Secretary, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang programa, proyekto, at ordinansa na nakaplano para sa buong taon. Kabilang sa mga pangunahing agenda ang pagpapabuti ng serbisyong pampubliko, mga proyektong pang-imprastraktura, at mga hakbangin para sa seguridad at kalinisan ng ating komunidad.
Ayon sa pamunuan, ang unang sesyong ito ay hudyat ng mas masigasig at tapat na paglilingkod para sa mga taga-Niugan. Layunin ng Sangguniang Barangay na masiguro na ang bawat pondo at programa ay makakarating sa mga nangangailangan at makakatulong sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay ngayong 2026.









Comments