top of page
bg tab.png

Sangguniang Barangay ng Marungko, Nagkaisa sa Lingguhang Paglilinis

Sep 19
1 min read

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Barangay ng Marungko ang kanilang tuloy-tuloy na kampanya para sa kalikasan at kalusugan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 19, 2026.



Nakasentro ang paglilinis ng Sangguniang Barangay at ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga pangunahing kalsada, pampublikong lugar, at mga kanal upang maiwasan ang pagbara ng drainage at pag-usbong ng mga nakakahawang sakit.


Layunin ng regular na inisyatibong ito na panatilihing maaliwalas, maayos, at ligtas ang kapaligiran para sa lahat ng pamilyang residente sa barangay.


Muling nanawagan ang pamunuan ng Barangay Marungko sa lahat ng mamamayan na maging katuwang ng barangay sa wastong pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang mga bakuran.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page