top of page
bg tab.png

Responsableng Pagpapamilya, Tinalakay sa ‘Usapan Buntis’ ng Angat RHU


Binigyang-diin ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang kahalagahan ng wastong agwat ng pagbubuntis at responsableng pagpapamilya sa idinaos na “Usapan Buntis on Family Planning” nitong ika-27 ng Enero, 2026.


Ginanap ang aktibidad sa MHO Conference Room sa Barangay Sta. Cruz, kung saan tinipon ang mga nagdadalang-tao upang mabigyan ng sapat na impormasyon tungkol sa iba’t ibang metodo ng Family Planning. Layunin ng programang ito na ituro sa mga ina ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya upang masigurong mabibigyan ng sapat na atensyon, nutrisyon, at magandang kinabukasan ang bawat anak.


Ayon sa mga kinatawan ng Municipal Health Office, ang Family Planning ay hindi lamang tungkol sa paglimita sa bilang ng anak, kundi tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol. Sa pamamagitan ng tamang agwat ng panganganak, nababawasan ang panganib ng mga komplikasyon sa kalusugan. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng administrasyong Bautista para sa Maternal and Child Health Care.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page