Purok Libis na Maliit, Isinailalim sa Clean-Up Drive at Road Clearing ng Barangay Sulucan

Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive at Road Clearing ang Sangguniang Barangay ng Sulucan ngayong Setyembre 5, 2026, sa sakop ng Purok Libis na Maliit upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada ng barangay.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, sama-samang nilinis ng mga barangay opisyal at residente ang mga pampublikong daanan at tinanggal ang mga nakatambak na harang sa kalsada upang masiguro ang maayos at ligtas na daanan ng mga mamamayan at sasakyan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng mga residenteng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon sa pagsasaayos ng kapaligiran.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang lingguhang boluntaryong paglilinis at road clearing ay patuloy na isasagawa upang mapanatili ang kalinisan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa bawat purok ng Sulucan.










Comments