top of page
bg tab.png

Police Presence sa San Roque: Angat PNP, Naka-alerto sa Gasoline Station


Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang ligtas na komunidad, nagsagawa ng Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa tapat ng Shell Gasoline Station, Brgy. San Roque, ngayong umaga ng Enero 2, 2026.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pat Gil G. Nalupa, Patrol PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Sa pamamagitan ng paglalagay ng presensya ng pulisya sa mga istratehikong lugar gaya ng mga gasolinahan, layunin ng operasyon na mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at residenteng bumabagtas sa lugar. Ang hakbang na ito ay bahagi ng commitment ng Angat PNP na mapanatili ang peace and order upang gawing mas ligtas ang bayan para sa paninirahan, pagtatrabaho, at pagnenegosyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page