top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nagsagawa ng New Year’s Call kay Mayor Jowar Bautista sa Pagbubukas ng Bagong Munisipyo



Bilang hudyat ng mas pinalakas na pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at ng lokal na pamahalaan, nagsagawa ng tradisyunal na New Year’s Call ang Angat Municipal Police Station (MPS) kay Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong ika-19 ng Enero, 2026.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS, kasama ang mga tauhan ng himpilan, matapos silang dumalo sa kauna-unahang Flag Raising Ceremony sa Bagong Bahay Pamahalaan sa Brgy. San Roque.


Ang New Year’s Call ay isang mahalagang tradisyon sa PNP na naglalayong patatagin ang koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at ng Lokal na Pamahalaan (LGU).


Sa naging pagpupulong, muling pinagtibay ng Angat MPS ang kanilang pangako na maglingkod nang tapat at tiyakin ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng bawat mamamayang Angateño ngayong taong 2026.


Ayon kay PCPT Viola, ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ay susi upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga hamon ng kriminalidad at mapanatili ang isang ligtas na komunidad para sa lahat.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page