top of page
bg tab.png

PESO Angat Nagbukas ng Aplikasyon para sa mga Lisensyadong Arkitekto

Sep 1
1 min read

Nananawagan ang Public Employment Service Office (PESO) ng Angat sa mga kwalipikadong propesyunal kaugnay ng urgent hiring ng kumpanyang ABE Architecture Outsourced para sa dalawang (2) Senior Architect o Interior Designer.


Ang mga matatanggap sa posisyon ay itatalaga sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales. Kabilang sa mga kwalipikasyon ang pagiging lisensyadong arkitekto o nagtapos ng BS Architecture o Interior Design, may hindi bababa sa tatlong (3) taong karanasan sa trabaho, marunong sa mga design software tulad ng AutoCAD at SketchUp, at may pagkukusang lumipat o mag-relocate sa Subic.


Maaaring magparehistro ang mga interesadong aplikante sa opisyal na Google Form ng PESO (https://forms.gle/aqLpVB8mfjFzEbb59) at ipadala ang kanilang updated Resume o CV sa email address na pesohiringangat@gmail.com gamit ang tamang format sa Subject Line.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page