PESO Angat, Nagbubukas ng Slots para sa mga Employer at Agency Partners sa Darating na Job Fair
- angat bulacan
- Sep 26
- 1 min read

Angat, Bulacan — Inanunsyo ng Public Employment Service Office (PESO) – Angat na magbubukas ito ng ilang karagdagang slots para sa mga lokal na employer at accredited agency partners na nais lumahok sa gaganaping Job Fair sa darating na Oktubre 18, 2025 (Sabado).
Ang naturang job fair ay bahagi ng GULAYANGAT FESTIVAL 2025 at layuning magbigay ng oportunidad sa mga Angateño na makahanap ng trabaho, habang tumutulong din sa mga kumpanya na makapaghanap ng kwalipikadong manggagawa.
Pagkakataon para sa mga Employer at Ahensya
Ayon sa PESO Angat, ang mga interesadong kumpanya at recruitment agencies ay maaaring magpasa ng kanilang aplikasyon o magpadala ng katanungan sa pamamagitan ng email sa:📧 pesoangat@gmail.com
Pinapayuhan ang mga employer na magparehistro kaagad dahil limitado lamang ang bilang ng slots na maaaring makalahok sa aktibidad.
Layunin ng Job Fair
Ang Job Fair 2025 ay isa sa mga pangunahing programa ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, Punong Bayan, sa pamamagitan ng PESO Angat.
Layunin nitong mapalawak ang employment opportunities para sa mga mamamayan at patatagin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa pribadong sektor para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bayan.
“GULAYANGAT JOB FAIR 2025 — Trabaho para sa bawat Angateño, Kaunlaran para sa Bayan!”









Comments